Thursday, December 27, 2012

On Make-up

Sa isang coffee shop

Guy 1:  Pre, nakakatakot pala mag-date ng babaeng magaling mag make-up.  Yung naka date ko ang ganda eh, nung ni-surprise visit ko sa bahay nila para magdala ng breakfast, ibang iba itsura.  Hindi pa kasi nakakapagmake-up.  

Guy2:  Katakot nga, parang yung email dati ng girls with and without makeup.  Gulat na gulat ako dun eh.


Guy 3: Girlfriend ko naman nagmamake-up pero hindi naman drastic transformation.  Yung iba kasi parang naka-maskara na eh.  Tinatago na yung totoong itsura sa kapal ng make-up...


Hehe, gusto ko sana makisingit sa usapan nila.  Dati, nahilig din ako sa make-up.  Namili ko ng Nars, Revlon, Covergirl, Etude House etc.  Pero nagsawa din ako after some time.  Naiisip ko kasi yung ibang girls nasasabihan na, "Ang ganda mo. Nakamake-up ka ba? Di kita nakilala". Wala naman akong narinig na ganun sa make-up era ko.  Hahaha!  Hindi rin naman kasi ako makapal mag make-up talaga.  Gusto ko lang ma-enhance features ko, hindi ang itago ang mukha ko.


"I believe all women are pretty without makeup and can be very pretty powerful with the right makeup."
picturesquotes.com

0 comments:

Post a Comment